Plane crash sa Russia; 40 patay, 8 sugatan

KUMPIRMADONG 40 katao ang nasawi at walo ang malubhang nasugatan sa isang plane crash sa bansang Russia.

Ayon sa spokesman ng Emergency Ministry, isang Tupolev-134 ang nagliyab habang papalanding sa lungsod ng Petrozavodsk. Ang eroplano na may sakay na 43 katao at limang crew ay nag-emergency landing sa isang kilometro mula sa airport ng naturang lungsod.

“Preliminary information is that about forty are dead. The other eight are in hospital,” ayon sa spokesman.

Nagliyab umano ang eroplano at ito’y sumabog. Nabatid na galing sa Moscow ang Tupolev-134.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply