PNoy binira ng CBCP

KAHIT pa umano balasahin ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang kanyang gabinete at maglagay ng mga taong magagaling sa puwesto ay mababalewala lamang dahil ang mismong namumuno sa pamahalaan ay ‘incompetent.’

Ito ang diretsahang pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng ulat na posibleng magkaroon ng balasahan sa gabinete bunsod ng sunud-sunod na pagbibitiw sa tungkulin ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Cruz, hindi siya nagtitiwala sa isasagawang revamp ng gabinete ng administrasyong Aquino, dahil kung incompetent aniya ang namumuno sa pamahalaan ay hindi rin umano alam kung sino ang kanyang iluluklok sa puwesto.

“When the one on top is incompetent how would he know whom to place there, how will he know if they are performing  well or not how would he judge what to do with them or otherwise? For example, si Diokno has to be told to quit but nag-leave lamang. Rico Puno who’s still undersecretary of DILG,” ani Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Frankly, I will not put my trust and hope in the said revamp. My reason is simple, the way I see it the national leadership is incompetent to choose the right persons who are adoned with integrity and ability,” aniya pa.

“Kahit magaling ang itatalaga sa puwesto kung incompetent ang lider ay wala ding patutunguhan itong bansa natin,” dagdag pa nito.

Sa isyu naman hinggil sa pagtatalaga sa puwesto ng mga talunang kandidato ng Liberal Party (LP), sinabi ni Cruz, na naniniwala siyang ‘utang na loob’ ang dahilan kung bakit iluluklok sila ni PNoy sa puwesto.

“So these appointment to different position has a big political consideration and these is a diseased of Philippine politics the so called ‘utang ng loob,’ forgets everything else that matter except to give back the favor, yun ang political accommodation na sinasabi,” aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply