PNoy binisita ang mga binaha sa Metro Manila

AGAD na bumalik ng Maynila si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III upang personal na inspeksyunin ang binahang lugar sa Kalakhang Maynila.

Nauna rito, binisita ni Pangulong Aquino ang Caticlan, Aklan para pangunahan ang inagurasyon sa inayos na Caticlan Airport.

At dahil nagmamadali ay agad na kinansela nito ang nakatakdang press conference nito sa Caticlan dahil kinailangan nitong umalis agad.

Sa kabilang dako, binisita ng Chief Executive ang mga binaha sa Marikina at Malabon City kung saan maraming residente ang inilikas sa mga evacuation centers.

Samantala, inaasahan naman ng pamahalaan na ipagpapatuloy ng mga government personnel ang kanilang emergency services kahit humina na ang bagyong Falcon.

Tinukoy nito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patuloy na tinutugunan ang problema ng mga naapektuhan ng bagyong Falcon. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply