PNoy di pa madesisyunan ang Marcos burial

SAPAT na panahon o ekstensyon para rebisahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon na isinumite ni Bise Presidente Jejomar Binay ang hinihingi sa publiko bago magbigay ng pinal na posisyon ang Malakanyang sa isyu ng paglilibing sa dating pinuno ng bansana si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ang panawagan sa taumbayan ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dahil nais lamang aniya ni Pangulong Aquino na makasiguro sa ipalalabas na desisyon kaugnay na rin sa matagal nang isyu na paglilibing sa dating strong man.

Ang apela ng Palasyo ay bunsod na rin sa naging rekomendasyon ni Binay na pagkaloob ng full military honors kay Marcos pero sa sinilangang lalawigan ng Ilocos Norte ito dapat maihatid sa kanyang huling hantungan.

Nilinaw naman ng opisyal ng Malakanyang na hindi naman mababasura ang nabuong rekomendasyon ng bisepresidente mula sa isinagawang survey at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang makuha ang pulso ng Sambayanang Pilipino hinggil na rin sa isyu ni Marcos.

Nauna rito, mismong si Pangulong Aquino ang nagtalaga kay Binay na manguna sa pag-aaral sa posibilidad na paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani upang hindi siya maakusahan ng pamemersonal sa magiging desisyon ng gobyerno sa naturang usapin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply