PNoy inisnab ng Thai investors

“COLD TREATMENT” ang isinalubong kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ng investors sa Thailand kaya wala itong maipagyabang na nasungkit na malaking sa pagbalik nito sa Pilipinas.

Ayon sa mga kritiko ng Malakanyang, inisnab si Pangulong Aquino ng apat na pinakamalalaking kapitalista ng Thailand nitong nakaraang two-day state visit ng Pangulo sa nasabing bansa.

Kaya’t hindi kataka-taka umanong walang inilatag na investor figure ang Pangulo sa kanyang pagbabalik.

Maging sa Pilipinas ay sinasabing unti-unti nang nawawalan ng tiwala ang mga lokal na investors sa bansa dahil sa pamamalakad ni Pangulong Aquino.

Naniniwala ang mga political analyst na ang namumuno sa gobyerno ang nakikitang problema kung bakit bumaba ang mga kumpyansa ng mga negosyante para mag-invest sa bansa, dahilan upang bumaba ang tsansa na makalikha si Pangulong Aquino ng mga trabaho at matugunan ang suliraning kagutuman sa bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni  Prof. Benito Lim na wala pang nakikita ang mga negosyante na katuparan ng mga pangakong binitiwan ng Pangulo noong siya’y nangangampanya pa bago mag-eleksyon.

Dadag pa ni Lim, kulang sa istratehiya si Pangulong Aquino kaya’t hanggang ngayon ay talamak pa rin ang korapsyon sa pamahalaan.

Tinawag rin ni Lim bilang “Pamilya at Kaibigan Inc.” ang kasalukuyang administrasyon kaya malaki ang ibinaba ng tiwala ng mga investor sa administrasyong Aquino.

Nabatid na tumamlay ang positibong pananaw ng mga negosyante sa bansa base sa ipinakita ng  Business Expectation Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ibig sabihin, habang tumatagal humihina ang kumpiyansa ng mga mangangalakal sa Punong Ehekutibo.

Ito ay kasunod na maitala sa  business record na 50.6 porsiyento noong ika-4 na quarter ng 2010, ngunit bumulusok naman at naging 31.8 porsiyento sa ikalawang quarter ng 2011.

Lumalabas na bumaba ito sa 47.5 porsiyento sa unang quarter ng kasalukuyang taon ang tiwala ng mga investor sa kasalukuyang gobyerno.

Subalit nabatid na kasama sa  mga itinuturong dahilan ay ang  mataas na operating costs, kuryente, laborers, red tape  sa public-private partnership programa ng gobyerno.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply