PNoy inudyukang pulungin na ang NSC

INUDYUKAN ng isang mambabatas si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na pulungin na ang National Security Council (NSC) upang talakayin ang gusot sa Spratly Islands.

Sinabi ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng House committee on national defense and security, na kailangan nang magkaroon ng iisang tinig ang gobyerno ng Pilipinas tungkol sa usapin.

Nagpahayag ng pangamba ang kongresista matapos maglabasan ang iba’t ibang opinyon ng mga opisyal ng pamahalaan na nagresulta sa sari-saring interpretasyon.

Paliwanag ni Biazon na anuman ang magiging desisyon ng NSC ay dapat sumunod ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno kasama na ang liderato ng Kongreso.

Nauna nang nagtungo sa Beijing, China si Speaker Feliciano Belmonte Jr. para sa isang parliamentary meeting. Isa umano sa  pag-uusapan ng mataaas  na liderato ng Pilipinas at nasabing bansa ay ang hinggil sa Spratly Islands.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply