PNoy magiging sibil lang kay GMA

WALANG ipapakitang kagaspangan si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa pagkikita nila ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa wedding anniversary ni Sen. Miriam Santiago sa Linggo, Hunyo 19.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, pinalaki bilang “gentleman” ang Pangulo kaya wala itong ipapakitang hindi maganda sa dating Pangulo.

Aniya, sa kabila ng matindi ang pagbanat at pagkastigo ng Punong Ehekutibo sa kanyang pinalitan na si Arroyo ay aasahan pa rin ang pagiging sibil ng una sa huli.

Si Pangulong Aquino ay magsisilbing best man sa renewal of vows nina Santiago, habang ninang naman si Arroyo.

Batay sa pinakahuling pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo ngayong umaga lamang sa kampo ni Arroyo, sinabi ni Elena Bautista-Horn na dadalo ang dating Pangulo sa okasyon. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply