PNoy, paano ang 4M unemployed istambay?

PAANO ba natin sinusukat ang dami ng mga walang makahig, walang matuka? Wataymen, yung mga unemployed o istambay.

Op kors may kasagutan dito. Tumakbo ka sa National Statistical Coordination Board at Department of  Labor and Employment.

Ang problema rito, kung minsan ay nag-aaway ang mga opisinang ito lalo na kung sinasabi ng NSCB na lumalala ang kawalan ng empleyo o dumarami ang istambay …na ayaw na ayaw na marinig ng DOLE.

Kung diskumpiyado naman kayo sa mga opisinang ito ng gobyerno, pupuwede kayong magteks sa Social Weather Station o sa Pulse Asia o o sa Ibon Foundation.

Mapipilitan kang maging diskumpiyado dahil binabago ng gobyerno ang mga sukatan sa unemployment.

Por eksampol, nang binago ang sukatan noong 2006, ang 3.864 milyon na unemployed ay naging 2.840M na lang at may nabawas na 1.024M unemployed.

Madyik, madaling mabago ang rekord sa kumpas lang ng kahit sinong Boss sa Malakanyang.

oOo

Sa atin naman, may ibang mga sukatan tayo.

Dumarami ngayon ang nagpapatigil sa kanilang mga anak sa pag-aaral. Isa-isa lang, lalo na ang mga nakatutuntong sa haiskul at kolehiyo.

Heto pa ang isa: dumarami ang mga hindi nakapagbabayad ng utang sa mga “lending.” Nagiging paiyakan ang paniningil at nag-aaway-away ang mga garantor at mga taga-lending.

Sa limang sari-sari istor naman sa isang sitio, tatlo o apat ang madaling maghingalo, malugi at magsara sa dami ng mga nangungutang na hindi makapagbayad.

Karaniwang unemployed ang mga sangkot dito at dahilan ng pagkalugi ng mga negosyo ng mga magkakapitbahay.

PNoy, nasaan nga pala ang iyong matuwid na daan para sa mga unemployed?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply