PNoy pasado kay Imee Marcos

SA kabila ng hindi pagpayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa hiling ng pamilya Marcos na mailibing ang dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na pasado sa kanya ang performance ni PNoy sa isang taon nitong panunungkulan.

Matatandaan na gitna ng buwan ng Hunyo nang tanggihan ni PNoy ang proposal na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Marcos.

Sa ngayon ay naghahanap na umano ang pamilya Marcos ng iba pang lugar na maaaring paglibingan sa dating presidente.

“Ang pamilya ko ay handang-handa na mag-compromise at ayaw namin magbigay ng problema.”

“Nagpapasalamat kami kay President Aquino dahil si Noynoy lang ang nagseryoso sa isyu ng pagpapalibing sa papa ko,” anang pang gobernadora.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply