PNoy pinakikilos sa tensyon sa Spratlys

PINAKIKILOS ng isang Catholic bishop si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na umaksiyon hinggil sa tensiyon na namamagitan sa Pilipinas at China kaugnay sa isyu ng agawan sa Spratly island.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, dapat nang gumawa ng aksiyon ang Pangulong Aquino sa nadiskubreng pagtatayo ng military camps ang China sa Spratly Island.

Sinabi ng Obispo, dapat manindigan ang Pangulong Aquino sa usapin at ipakita sa Chinese government na may claim din ang Pilipinas sa Spratly.

“The President should act now,” pahayag ni Medroso, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na mas makabubuti kung isulong ni PNoy ang diplomasya at pakikipagdayalogo sa mga pinuno ng China upang mapag-usapan kung ano ang makabubuti sa magkabilang panig sa pakikinabang sa naturang lugar na sinasabing mayaman sa langis.

“Dapat ipakita ng Pangulong Aquino na may claim din tayo sa Spratly. dapat manindigan tayo na may karapatan din tayo diyan. Of course, gawin dapat ito ni PNoy in a nice way, dahil talo naman talaga tayo kung lakas at puwersa ang pag-uusapan,” ayon kay Medroso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply