PNoy pinatawag ang 2 senador na di kaalyado

ALAM niyo ba at hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganoon na lamang nakalusot nang mabilisan ang panukalang pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)?

Ito ay dahil sa mayroong hiwagang nakabalot sa likod nito matapos na ipatawag umano ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang dalawang senador na hindi nito kaalyado.

Sa napag-alaman ng matang kuwago ng Remate, nalulungkot  at nadidismaya si  PNoy na walang nagawa ang apat na senador na kanyang kaalyado sa kabila ng nakipag-lunch meeting pa ito para matiyak na makalusot ang panukalang para sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM.

Kung kaya’t naisipan na lamang nito na kausapin ang dalawang senador na gumagalaw at gumawa ng paraan upang makumbinsi ang iba pang majority senators na suportahan ang itinutulak ni PNoy.

Tuwang-tuwa nga si PNoy nang makakuha ng commitment o suporta mula sa dalawang senador na kanyang pinatawag at kinausap at hindi lang basta commitment kundi katiyakan na makalulusot ang kanyang nais na panukala.

Kaya bilang award ay tiyak na maluwag daw na matatanggap ng mga ito ang kani-kanilang mga pork barrel at may bonus pa sila pero secret lang kung ano iyon.

Pero isa lang ang natiyak sa matang kuwago ng Remate: magiging masaya ang dalawang mambabatas at isa pa humanda raw ang kani-kanilang kaaway. Subalit ang tanong: magiging masaya naman kaya ang mga kapatid nating Muslim sa ARMM na nais magkaroon ng halalan?

Kaya humanda na rin ang

13 senators na bumoto.

Oopppsssss …ito ang clue: ang dalawang mambabatas na tinutukoy natin ay pawang magkasama sa mayorya at mayroong hinahawakang maselang puwesto sa Senado.

Ang isang mambabatas ay kilalang biktima o nabibiktima ng mga kudeta at magaling na abogado samantalang ang isang mambabatas ay  tinutukoy ng ating matang kuwago na kaibigang matalik ng isang taga-Department of Health (DOH).

Pareho silang lalaki at tunay na lalaki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply