PNoy walang respeto sa mga taga-ARMM

KAWALAN ng respeto sa mga taga-Mindanao partikular sa nasasakupan ng Autonomous Region in  Muslim Mindanao (ARMM) ang pagpapaliban ng eleksyon sa Agosto.

Ito ang tahasang sinabi ni House Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay matapos brasuhin ng Malakanyang ang Senado para paboran ang pagpapaliban sa eleksyon.

“Postponing the election showed that this administration does not respect and has a low regard for the people of ARMM to elect their own leaders,” ayon pa kay Magsaysay.

Ang higit pa aniyang dapat na pakaisipin ng gobyerno ay si dating Pangulong Corazon Aquino ang nagbigay ng otonomiya na pilit inaagaw ngayon ni Pangulong Aquino.

Sa panig naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay binigyan diin niyang labag sa batas ang gagawing ito ng administrasyon at labag sa karapatan ng ARMM people.

Naunang inaprubahan ng Senado sa botong 13-7 ang panukalang batas na maipagpaliban ang halalan sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply