Pulis di makapanghuhuli ng smoking ban violators

MAHIGPIT na pinagbawalan ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis na manghuli sa mga taong lumalabag sa smoking ban na pinaiiral ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ipinaliwanag ni NCRPO chief Alan Purisima na walang awtoridad ang mga pulis na manghuli sa mga lumalabag sa smoking ban ng MMDA.

Ayon kay Purisima, karamihan sa mga pulis ay umaabuso sa kanilang tungkulin. Hinikayat din ni Purisima ang publiko na isumbong kaagad sa mga kinauukulan kung mayroong mga pulis na nagsasamantala habang naka-duty ang mga ito.

Tanging ang nagpapatupad ng  Anti-Smoking Law ang dapat manghuli umano sa mga lumalabag dito.

Kasabay nito ay pinaalalang muli ng MMDA na sa Biyernes, Hulyo 1, ang full implementation ng smoking ban sa Metro Manila.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply