PNP Region 12 naka-red alert

NAKA-RED ALERT status ang Philippine National Police Regional Office No. 12 dahil sa nakitang bomba sa Tacurong City.

Ayon kay PNP Region 12 Director Chief Supt. Benjarde Mantele, may mga intelligence report silang nakakalap na magsasagawa ang mga teroristang grupo sa lugar ng pambobomba.

Ang rehiyon 12 ay sakop ang apat na probinsiya at isang lungsod. Kabilang dito ang lalawigan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City.

Napag-alaman din na may ilang miyembro ng Jemaah-Islamiyah ang nakapasok sa bansa ayon sa PNP National Headquarters.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply