POEA naglagay ng sangay sa Bicol

PARA tuluyang makontrol ang nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng  “human trafficking” sa Bicol Region ay naglagay ng tanggapan dito ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni dating POEA commissioner at ngayon ay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz na  ang pagbubukas sa opisina sa naturang rehiyon ay para maprotektahan ang mamamayan dito partikular na ang nasa rural area o yung maituturing na mahirap sa dahilang sila ang pangunahing nagiging biktima nito.

Mas higit na magiging accessible ang serbisyo-publiko ng gobyerno sa ating kababayan na gustong makapagtrabaho sa ibang bansa dahil hindi na mangangailangan na magtungo sa Maynila ang mga aplikante sapagkat maari nang maproseso ang kanilang papeles sa regional office.

“The department through the POEA is exerting all efforts towards a nationwide zero tolerance to any irregularities in the overseas employment sector especially in the regions,” base sa direktibang inilabas ni Baldoz.

Base sa datos ng POEA karamihan sa mga nagiging biktima ng human trafficking ay sa mga bahagi ng Bicol Region at ilan pang karatig na rehiyon dahil sa kahirapan ng buhay. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply