Pokwang nahawahan ng malas ni Marian Rivera!

ANG pagkakaroon ng malaking agwat ng edad ang isa sa mga dahilan kaya hindi nag-top sa bilangan ng 100 Sexiest Women ng FHM si Marian Rivera. Ito ay ayon sa survey ng programang “Star Na Star” sa DWIZ 882 khz, hosted by Pete G. Ampoloquio, Jr. and Peter Ledesma plus yours truly at napakikinggan ito every 2:00-3:00 p.m. from Monday to Friday.

Gurang na nga talaga si Marian. Hindi na niya malilinlang ang publiko. Tanggapin na niya ang katotohan na hindi na siya bata.

Katulad ng kanyang Papa Dingdong (Dantes) na pinaghahandaan na ang pagkalaos bilang aktor kaya tututok na sa negosyo’t pagdidirehe ng pelikula, commercial, etc…etc.

Dapat ganon din ang gawin ng malditang aktres na nagsisimula nang mahulas sa boobtube dahil sa pag-flop ng “Mamaya Na.” Maging sa pelikula, hindi ba’t isa siya sa pinakamahina sa filmfest last December?

Dahil sa pagkakulelat ng pelikulang ‘yon, ang natandaan ko na lang na title nito ay Bibe..beh, buti nga! Hahahaha!

Dito yata nagsimula ang malas ni Pokwang (tumambal ba naman kasi kay Marianetch), dahil after nu’n natsugi siya sa noontime show. Ngayong nakabalik siya sa panghapong programa, dala-dala pa rin niya ang sumpa. Kaya sumisisid talaga ang rating ng Happy, Yipee, Yehey!

Hindi kaya kinakalabit lang si Pokie at sinasabi ng Dios, “Pokwang, nakikita kong lumalaki na ang iyong ulo. ‘Yung mga kaibigan mong walang sawang nagtanggol sa ‘yo noon, kinakalimutan mo na ngayon.”

Hehehe!

Anyway, iwanan na natin si Pokwang. Wala naman tayong mapapala sa kanya. ‘Yun ngang mga friendship n’ya iniisnab na n’ya, tayo pa kayang wala naman ni katiting sa kanyang ulirat. Siguro nahilo ito sa kaiikot sa tatlong palapag niyang bahay kaya ayon, di na matandaan ang mga taong nakatulong sa kanyang laban noon. Hahaha!

Balikan natin si Marianita.

Panahon na talagang mag-iba ng linya ang siyota ni Dingdong. Ipaubaya na niya ang industriyang ito sa mas mga bata sa kanya at mas mababait.

Pati nga ‘yung programa niya with Manny Pacquiao sa GMA-7 nilalangaw din. O, ano pa ba ang gustong pruweba ng hitad. Hayan na nga ang mga patunay na Laosana Loses ka na rin.

Nakipagbati ka pa kay Cristy Fermin. Sus ginoo! Isa pang malas!

Sabagay, sino ba ang magsasama-sama kundi ang pare-pareho ang mga karakas, di ba?

Ang sasama n’yo kasi. Hindi kayo mabait sa inyong kapwa. Mga plastik!

Marian, pokwang at Cristy? Erase…Erase…Erase!

***

NATAWA tayo ng sabihin ni Alex Gonzaga na gusto rin niyang maging recording artist someday katulad ng kanyang sis na si Toni Gonzaga.

Heto kasi’t nagtext ang ating kaututang-dila d’yan sa TV5. Pag kumanta raw si Alex para itong sinasaniban ng kalabaw. Unga nang unga. Hahaha!

May boses naman daw in fairness, kaya lang buga lang nang buga na animo’y sinisilihan ang bibig.

Hindi man lang daw pumreno. Huminga. At lagyan ng lambing ang pagkanta.

Hindi kaya may extension ang kanyang ngala-ngala?

***

KUNG hindi lang paborito ni Kris Aquino si Marcelino Pomoy, ang contestant ng Pilipinas Got Talent 2, baka nalaglag na ito sa listahan.

Hindi sa minamaliit natin ang pagkanta ni Marcelino pero itong panggagaya niya kay Regine Velasquez ay katawa-tawang bagay dahil unang-una, lalake s’ya. Pangalawa, ang pag-falsetto ay very ordinary at minamani-mani na lang ng mga bading.

Sa comedy bar mas magagaling pa sa kanya ang mga bading na kumakanta rito gamit ang falsetto voice.

Take note, ang meaning ng falsetto: An artificially high-pitched voice. Hindi ba dapat original voice ang ginagamit sa ganyang kompetisyon?

Pa’no siya mananalo kung ganyang parang pinitpit na lata ang kanyang boses?

Bakit kasi hindi niya gamitin ang tunay niyang boses? Maganda naman ito at mas maganda pang pakinggan.

Mas magaling pa sa kanya ‘yung bading na kumakain ng mani habang kumakanta dahil sa matagal na itong nagpa-falsetto parang original voice na niya ang naririnig sa bibig n’ya.

Samantalang nang kumanta si Marcelino ng Regine Velasquez song, kinakapos siya. Pero talagang suportado siya ni Kris. May pa- I love you-I love you pa ito. Parang ipinararating ng huli na kakaiba talaga si Pomoy.

Well, iba-ibang trip tayo at kanya-kanya tayo ng opinyon.

Okey?

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cell phone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add: kuya_abepaul@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply