Pondo ng ahensya, departamento ng gobyerno kakalkalin

KAKALKALIN ni Senador Franklin Drilon ang lahat ng gastusin ng iba’t ibang ahensya at departamento ng gobyerno.

Bilang Chairman ng Senate committee on finance at oversight committee on public expenditures nakatakdang ipatawag ni Drilon ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang alamin kung paano nila ginagastos ang pondo na inilaan para sa kanilang tanggapan.

Kahit pa aniya naka-adjourn ang sesyon sa Kongreso sinabi ni Drilon na dapat mabusisi ang pagastos ng mga departamento at ahensiya dahil pera ng taumbayan ang ginagastos dito.

Ayon sa senador, sobrang limitado lang ang oras kung sa panahon ng budget hearing nila bubusisiin ang pagamit ng pondo ng bawat ahensiya kaya’t nagpasya siya na ngayon pa lamang ay bubusisiin na nila ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply