Pondo sa post-harvest facilities, pinadadagdagan

NAIS ng isang dating kalihim ng Department of Agriculture (DA) na dagdagan ng administrasyong Aquino ang pondong inilalaan sa sektor ng agrikultura para sa pagpapagawa ng postharvest facilities na makatutulong sa maliliit na magsasaka.

Ayon kay Sen. Edgardo Angara, dating kalihim ng DA, dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan ang paglalaan ng pondo sa agrikultura tulad ng pagpapatayo ng pre at post-harvest facilities tulad ng pautang sa magsasaka, irigasyon, farm to market roads at imbakan.

Naniniwala si Angara na nananatiling gulugod ng ekonomiya ang sektor ng agrikultura kaya’t nararapat lamang na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagtulong sa magsasaka tulad ng bagong programa ng administrasyon, ang DA Mechanization and Post-harvest Program for Rice.

“Financing has always been an obstacle for our farmers. If we integrate their farmer cooperatives into this program, they will have the chance to acquire their own rice mills, which is vital to improving the quality of their harvest and increasing their profit margin,” paliwanag ni Angara.

Sinabi ni Angara na mahalagang hakbang ang pagpapautang sa kooperatiba upang makapagpatayo sila ng sarili nitong gilingan at ilang pasilidad para sa pag-iimbak at paghahatid ng produktong bukid.

“Dapat bigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng pamuhunan sa post-harvest at logistical facilities na siyang makakabawas sa nasasayang na ani at makalikha ng transportasyon na siyang magbibigay benipisyo sa maliliit na magsasaka.

Inihayag pa ni Angara, mahigpit na kailangan natin ang mas mahusay na pasilidad sa product processing at paghahanda kabilang ang pre at post-harvest program tulad ng pautang sa magsasaka, sistema ng irigasyon at kalsada mula sa bukirin.

“Lahat nang ito ay makatutulong sa episyente at produktibidad ng sektor ng agrikultura,” paliwanag ng senador.

Iginiit pa ni Angara, mahalaga ang industriyang ito sa pagpapalago ng pambansang ekonomiya.

“Although it has gone through a period of low growth in recent years, agriculture will continue to be the backbone of the Philippine economy. We must not be remiss in investing in long-term solutions such as in agricultural infrastructure and R&D,” mungkahi ng senador.

Pangunahin si Angara sa pagsasabatas ng Agriculture and Fisheries Modernization (AFMA) noong 1997 at inisponsor din niya ang  Agriculture and Fisheries Extension Act at ang Magna Carta of Agriculture and Fishery Development Workers, na parehong ibinigay sa parent committee matapos ang unang pagbasa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply