Pope Benedict may Twitter account na

MISMONG si Pope Benedict XVI ang gumawa ng Twitter account ng Santo Papa at Vatican, kauna-unahang Papal tweet.

Mababasa sa naturang account ang mga katagang “Dear Friends, I just launcGhed News.va Praised be our Lord Jesus Christ! With my prayers and blessings, Benedictus XVI.”

Nabatid na bukod sa English account, mayroon ding tweet si Pope Benedict sa French account ng Vatican kung saan mismong si Pope ang nagsulat ng kaniyang tweet gamit ang iPad.

Dahil dito, inaasahan na ang milyong followers ng Santo Papa.

Una nang inilunsad ng Vatican ang kanilang Facebook page at maging ang paggamit ng Skype ay pinag-aaralan na rin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply