Pope Benedict may 400,000 follower agad sa Twitter

SI Pope Benedict XVI na ang inaasahang magkakaroon ng pinakamaraming follower sa Twitter makaraang umabot agad sa 400,000 ang kanyang tagasunod sa loob lamang ng halos isang oras na pagbubukas ng kanyang account.

Nang buksan ang kanyang account, mismong ang Santo Papa ang nagsulat ng kanyang kauna-unahang Papal tweet gamit ang iPad.

“Dear Friends, I just launched News.va Praised be our Lord Jesus Christ! With my prayers and blessings, Benedictus XVI,” laman ng tweet ng Mahal na Papa.

Patuloy naman sa pagdami ang mga taong nagpa-follow kay Pope Benedict.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply