Postponement ng ARMM election raratipikahan na

MARIING tinutulan ng minorya sa Kamara de Representantes ang tila pagmamadali ng Kamara na maipasa ang ARMM postponement sukdulang kalimutan na dumaan ito sa regular na proseso.

Sa kaniyang pagtayo sa plenaryo, kinuwestyon ni Minority Leader Edcel Lagman ang gagawin sanang pag-adopt ng Kamara sa bersyon ng Senado sa panukalang batas na ipagpaliban ang eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“I ask my distinguished colleagues to vote against the motion of the Majority Floor Leader that we concur the version of the Senate,” panawagan ni Lagman.

Agad namang tumayo sina Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Davao Rep. Marc Douglas Cagas upang suportahan ang manipestasyon ni Lagman.

Kuwestiyon pa ni Cagas: “Why are we tolerating an insult to this House?”

Sa panayam ng Remate Online, kinumpirma naman ni House Deputy Speaker Erin Tañada na pormal na ia-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado hanggang ngayong gabi, Hunyo 7, upang hindi na magkaroon pa ng bicameral conference.

Matapos itong ma-adopt ay agad raratipikahan upang maipadala agad sa Malakanyang at malagdaan ni Pangulong Benigno Aquino sa Biyernes (Hunyo 10).

Ang Kongreso ay nakatakdang mag-adjourn sa Huwebes, Hunyo 9, at magbabalik ang mga mambabatas para sa ikalawang regular na sesyon ng 15th Congress sa Hulyo, sa State-of-the-Nation Address ni Aquino. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply