Power plant sa Cebu umarangkada na

TAPOS na ang panahon na hindi tiyak ng mga Cebuano kung aabot ang kuryente hanggang gabi,” ani Pangulong Benigno Aquino sa pagpapasinaya sa 200-megawatt coal-fired power plants na isang magkasamang venture ng Pilipinas at Korea sa lungsod ng Cebu.

Sinaluduhan ang Pangulo ang proyekto dahil sa pagkonsidera nito sa kapaligiran at pagtalima sa Clean Air Act ng Naga Power Plant Complex na kapwa inooperate ng Korean Electric Power Corp. at Salcon Power Corp. (Kepco-SPC).

Ayon sa Pangulo, ang problema sa kung paano itatapon ang mga abo ng uling ay maaaring solusyunan subalit ang kawalan ng kuryente ay mas malalang problema dahil babagsak ang ekonomiya ng isang lugar.

Hindi naman kumbinsido ang mga grupong maka-kalikasan tulad ng the Philippine Earth Justice Center na nagtungo sa korte sa Cebu para pigilin ang walang humpay na pagtatapon ng abo ng Kepco-SPC at kasalukuyan itong nakabitin sa korte at patuloy na dinidinig.

Ayon naman sa pangulo ng Kepco-SPC na si Bok Yul Lee, ang kanilang power plant ay kayang bigyan ang Cebu at ibang lugar sa Visayas ng malinis, matatag at maaasahang enerhiya hanggang lumakas ang ekonomiya at kaya na nitong magkaroon ng renewable energy  sa hinaharap.

Naglagak umano ng P10 bilyon ang Kepco para sa dalawang 100 megawatts coal fired power plants na sinimulang itayo noong Pebrero 2008 at nagsimula ng operasyon nito lamang Pebrero 2011. Ang ikalawang planta ay nagsimula na ng commercial operations nitong Mayo 31 kung saan 11 porsiyento ng pangangailangan ng bansa ay kaya nitong i-generate. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply