Preparasyon sa ARMM election itinigil

GANAP nang itinigil ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakda sana sa darating na Agosto 8.

Ito ay makaraang pumasa  sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang eleksyon sa ARMM, na  isasabay na lamang sa 2013 mid-term elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, hindi muna sila gagalaw habang wala pang inilalabas na pasya ang Korte Suprema.

Ayon kay Brillantes, noong nakalusot sa Kamara ay naghinay-hinay na umano sila sa preparasyon at mas lalo pa ngayong nakapasa na rin ito sa Senado.

“Sa ngayon iho-hold namin temporarily lahat ng galaw papunta sa eleksyon ng ARMM dahil may postponement na. Kasi ang inaasahan naman namin dito ngayon merong may aakyat sa Korte Suprema, so, ‘di pa rin pinal itong usapan sa postponement o hindi,” pahayag ni Brillantes.

Sa kabila nito, tumanggi muna ang Comelec chairman na magbigay ng komento sa argumento ng mga nagsusulong ng postponement bill.

Iginiit ni Brillantes na hindi malayong may kukuwestiyon sa ligalidad ng naipasang panukala at hintayin na lamang nila ang desisyon ng Mataa na Hukuman.

Aminado naman ito na pabor siyang maisabay sa midterm elections ang halalan sa ARMM dahil nakasaad sa batas na dapat synchronized ang local at national elections. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply