Preso nagbigti sa loob ng selda

NAGPATIWAKAL na lamang ang isang preso sa loob ng kanyang selda kaysa manantili ng mahabang panahon sa loob ng bilangguan, Martes ng umaga sa Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Robert Gaviola, 38, binata, miyembro ng SSC Gang at nakulong sa MCJ Dormitory Cell 14 sa kasong rape sa Quezon Blvd., Sta. Cruz.

Sa report ni SPO3 David Tuazon, dakong ala-siyete ng umaga nang makitang nakabigti ang biktima ng kanyang inmates gamit ang kulay itim na string.

Agad namang tinanggal ng ilang inamtes sa pagkakabitin ang biktima at dinala sa  MCJ Infirmary para malapatan na agarang lunas, subalit idineklarang dead-on-arrival.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply