Presyo ng gulay, prutas tumaas

TUMAAS ang presyo ng gulay at prutas sa mga palengke at supermarket dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng pagpasok ng magkakasunod na bagyo, ito ang napag-alaman ngayon, Lunes, ng Remate.

Ayon kay Philippine Association of Supermarket Secretary General Atty. Federico Bles,  tumaas mula apat hanggang anim na porsyento ang presyo ng kanilang ibinebentang gulay at prutas mula pa noong Huwebes dahil nahihirapang mag-ani ang mga magsasaka.

Nahihirapan din umano silang i-deliver ang mga produkto kapag malakas ang ulan o may bagyo kaya ang iba ay nagpapahupa muna ng sama ng panahon bago bumaba sa bundok.

Gayunman, normal umano ito kapag ganitong panahon at babalik din sa normal kapag nawala na ang bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply