Presyo ng manok sa merkado tumaas

NADAGDAGAN ng P10 hanggang P15 ang kada kilo ng karneng manok sa merkado.

Sa kasalukuyan nasa P135 na ang kada kilo ng manok habang P140 naman kapag choice cut o yung customer ang siyang pipili ng mga bibilhing parte ng manok.

Ayon sa ilang mga negosyante, P5 lamang ang ipinapatong nila sa kada kilo ng manok upang hindi sila malugi.

Kaugnay nito, agad na nilinaw ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na walang dahilan para itaas ang presyo ng manok at baboy dahil wala namang kakapusan sa suplay nito.

Samantala, pinaghahanda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa nakatakdang pagtaas ng presyo ng tinapay sa susunod na linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng harina.

Ayon sa Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) na madadagdagan ng P1.50 ang presyo ng kanilang loaf bread.

Sinabi ng grupo, ito ay dahil hindi na nila kayang pasanin ang mataas na presyo ng harina. Mula sa dating P800 kada bag ay P950 na ngayon ang harina.

Ang pandesal ay madadagdagan ng 50 hanggang 75 sentimo. Hindi naman gumalaw ang presyo ng Pinoy Tasty sa P39.

Sa pinakahuling tala ng DTI, nagmura naman ang asukal na mula sa dating P65 ay P48 na kada kilo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply