Presyo ng petrolyo sumirit, LPG bumulusok

SA kabila ng muling pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nagtapyas naman ng 50 sentimos kada kilo ng cooking gas ang Liquefied Petroleum Marketers Association (LPGMA) na epektibo, Martes ng hatinggabi.

Ayon kay Arnel Ty, kinatawan sa Kongreso ng partylist LPGMA, ito na ang ikalawang rollback na kanilang ipinatupad sa kasalukuyang buwan.

Una ay noong Biyernes, Hunyo 3 kung saan P1 kada litro ang kanilang ibinawas sa kanilang produkto.

Ang pagtatapyas ng LPGMA sa ibinebentang cooking gas ay katumbas ng halos P6 na piso sa kada tangke na tumitimbang ng 11-kilo kaya tinatayang nasa P680 hanggang P684 na lamang ang halaga ngayon ng kada tangke ng kanilang LPG.

Kabilang sa mga inaasahang magbababa ng presyo ng kanilang LPG ang Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas pawang miyembro ng LPGMA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply