Presyo ng tinapay sisirit sa susunod na linggo

TATAAS ang presyo ng tinapay sa susunod na linggo bunga ng pagtaas ng presyo ng harina.

Dahil dito, pinaghahanda na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa panibagong pagtataas ng nasabing produkto.

Inanunsyo ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) na madadagdagan ng mula 50 sentimo hanggang P1 ang presyo ng kanilang loaf bread.

Ayon sa PhilBaking, ito ay dahil hindi na nila makayanang pasanin ang mataas na presyo ng harina.

Magmamahal din ang pandesal ng mula 50 hanggang 75 sentimo.

Gayunman mabibili pa rin sa halagang P39 ang Pinoy Tasty.

Sa pinakahuling tala ng DTI, nagmura na ang presyo ng asukal mula sa dating P65 ay P48 na ngayon, habang ang harina naman ay nagmahal ng P950 mula sa dating P800 kada bag.

Ang dalawa ay ilan sa pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply