Princess at Aiza nagsasama na

SA MGA Sessionistas, alam naman nating lahat na si Aiza Seguerra ang pinakamatagal na sa showbiz at may pangalan na as a solo artist.

Pero kahit na Aiza Seguerra na siya when she joined Sessionistas, never naman daw niyang isinaisip ito at aniya, pantay-pantay daw ang tinginan nila ng mga kagrupong sina Richard Poon, Nina, Juris, Duncan Ramos, Sitti at Princess Velasco.

“Walang pataasan ng ihi sa grupo na ito and we wouldn’t allow din also if may ganu’n. If kunyari, parang may nakikitaan kami nang ganito, we’ll let them know na parang ‘uy, wag naman ganu’n kasi pare-pareho tayo ng trabaho,” sambit ni Aiza.

Bale ang pinakabago sa grupo ay si Princess pero aniya ay mabilis din daw silang nagkasundo ng bagong miyembro.

“Si Princess, actually, nung una, talagang mahiyain ‘yan and alam mo na she tries her best na makisama and everything, buti na lang din, apart from Sessionistas number dito, nagkakasama rn kami sa labas.

“Pero ang kulit niyan, grabe! Pang-asar din ‘yan, eh. Lahat ng members ng Sessionistas, pang-asar. Pero nakakatuwa siya dahil ang bilis niyang nakasundo ‘yung buong grupo. Wala siyang ego or anything. Simple lang,” papuri ni Aiza.

Samantala, ayaw nang pag-usapan pa ni Aiza Seguerra ang naging feud nila ni Willie Revillame kamakailan. Sey niya, nagsabi lang naman daw siya ng kanyang opinyon at hindi siya nakikipag-away.

Matatandaang during the peak of child abuse case ng Willing-Willie noong Marso na talaga namang halos dalawang buwan ding pinag-usapan, isa si Aiza sa naging vocal sa kanyang pagkadisgusto sa ginawa ng TV host/comedian.

Dagdag pa ni Aiza, wala raw siyang planong makipag-away kay Willie kaya nga hindi na rin daw siya sumagot pa sa mga birada nito.

“Unang-una, hindi ako papatol sa ganu’n. I mean, hindi ako papatol sa ganung salita. Kung baga, ang importante, nasabi ko ang opinyon ko. If may na-offend, sorry, but opinyon ko ‘yun and I don’t think, masama ‘yun.

“Pero okay na ‘yun. Kung baga, ang gusto ko lang naman is change it. ‘Yun lang naman, eh. Okay na ako du’n. Kung baga, ang akin lang, ang importante, kahit paano, may nagbago. Sana, and happy na ako du’n,”  aniya.

Kung sa mga darating na panahon ay may makikita pa rin daw siya na makaka-offend sa kanya at sa tingin niya ay mali, pupunahin pa rin daw niya.

Naikwento nga niyang may sinulat siyang kanta para sa Rock Rizal album titled Lupang Pinangako na naglalaman ng mga puna niya sa mga hindi magagandang sistema at ugali.

Namana raw niya ang pagkakaroon ng social consciousness sa kanyang inang si Mommy Caring Seguerra dahil noong bata raw ito ay aktibista ito at sumasama sa mga rally.

“At para sa akin kasi, the greatest enemy ng mga tao ay ‘yung walang pakialam, eh. And right now, mas mahirap ‘yun, kasi, lahat tayo, pwedeng kumportable, eh.

“So for me, as an entertainer, hindi lang pagiging entertainer ang role ko, eh. Kung baga, kahit paano, mayroon din ilang sumusunod sa akin. So I think, it’s about time rin na maging pro-active lahat, di ba,” paliwanag pa niya.

Samantala, bukod sa Sessionistas segment ni Aiza every Sunday sa ASAP Rocks, abala rin ang singer sa iba’t ibang shows here and abroad. She has a forthcoming show this Saturday, July 2 sa Zirkoh, Tomas Morato titled “Pagdating ng Moment’ with Erik Santos, Princess Velasco, Matteo Guidicelli, Ate Gay sa Zirkoh, Morato.

Front acts naman sina Arthur Pangilinan, ang bagong Best Child Performer ng Star Awards na si Timothy Chan, Alexzies, Marc Cubales at Myron Pareńo. Sponsors ang Mang Inasal West Avenue at Kalentong, Jobert Sucaldito, Mayor Paeng Diaz at Madam Tina Diaz.

Mabibili ang tickets sa Zirkoh at sa SM Tickets.

***

TINANONG namin si Gladys Reyes kung ano ang stand ng Iglesia kung sakaling magreklamo ang isang miyembro nila gaya ng isang young actor na laman ng blind item na ginahasa diumano at idudulog daw ang problema sa kinaaaniban niyang religion.

“Ang alam ko lang Iglesia sa Iglesia. Halimbawa, may ginawa siyang hindi kanais-nais, ang alam ko ginagawan agad ng aksyon. Ipapatawag talaga pero iimbestigahan din. Ang worst na puwede talagang mangyari ay ‘yung matiwalag siyempre.

Pero halimbawa, miyembro ng Iglesia ang na-harrass pero hindi Iglesia ‘yung inirereklamo?

“Sino ba ‘yun? Sino ba ito?,” nagtataka at natatawa niyang sagot.

“Oo naman, tutulungan. So far, hindi ko pa na-encounter ng actual ang ganyang situwasyon pero puwedeng humingi ng tulong. Inaaksyunan pero hindi naman ‘yung kaagad-agad na parang… kumbaga, may imbestigasyon din na gagawin sa loob bago sila gumalaw. Alam mo naman sa Iglesia po, kikilos po pero hindi naman ‘yung kung ano ang sinabi ng isang side. Talagang both sides ang pinapakinggan,” paglilinaw niya.

Anyway tutok si Gladys sa programa niyang “Moments” na napapanood tuwing Sabado, 6:30 p.m. sa Net25 at ganoon din sa seryeng “Guns and Roses.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply