Problema sa water lily inupuan ng DOST

INUPUAN ng Department of Science and Technology (DOST) at kinatawan ng mga mamamahayag ang pulong-balitaktakan na ginanap sa DOST-STII Building noong Biyernes ng umaga, Hunyo 24, kaugnay ng patuloy na pagdagsa ng mga water lily na nagiging sanhi ng problema sa daluyan ng tubig ilog sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Sa mga katanungang binuksan ng mga mamamahayag, pinangunahan ng kalihim ng DOST na Mario G. Montejo ang mga angkop na hakbangin na posibleng tumugon sa nabanggit na suliranin.

“Our experts aims to develop aquatic weed harvester to collect all these mess choking the river,” ani Montejo.

Sinabi din ng mga science and technology experts na dumalo sa nasabing pagpupulong na mas ligtas anilang gamitan ng mechanical device ang mga water lily kung ihahambing sa chemical-based treatment na kikitil sa mga ito na maaaring magkaroon ng epekto sa mga lamang-kati na nananahan doon na kinakain at pinagkakakitaan ng mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng agham at teknolohiya ng DOST ang mga makukuhang tone-toneladang waterlily sa mga lawa at ilog ay maaaring gawing panambak sa mga mabababang lupalop ng bansa at iba pang kapakinabangan tulad ng mga livelihood handicrafts at pang-agrikulturang pataba sa lupa.

Tinalakay din sa katatapos na pulong-balitaktakan ang pag-agapay ng mga local government units (LGUS) sa bansa partikular na ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Environment and Natural Resources Office (ENRO) sapagkat bahagi rin ng kanilang tungkulin na magbalangkas ng mga napapanahong hakbangin sa pangangalaga ng kanilang likas na yaman at kapaligiran. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply