Programa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Rizal handa na

KABI-KABILA na ang nakahandang programa sa pagdiriwang ng ika 150-karaawan ni Dr. Jose Rizal sa Linggo, Hunyo 19, kung saan buo na ang preparasyon sa pagdadausan sa Paco Memorial Park sa Paco, Maynila kung saan una itong nailibing.\

Ayon kay Peter Emlano, officer-in-charge ng parke, preparado na ang Paco Park kung saan nalinis na rin at napaganda ang puntod ng pambansang bayani dahil inaasahang dadagsahin din ito bukas ng mga turista.

Base sa makasysayang kuwento sa buhay ni Rizal, siya ay pinatay sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan o mas kilala ngayon sa tawag na Luneta o Rizal park.

Matapos na ma-firing squad ay saka sikretong inilibing ang kanyang labi sa Paco, Maynila.

Nang matuklasan ng kanyang kapatid na si Narcisa ang pinaglibingan ni Rizal sa lugar dahil na rin sa mga nagbabantay na guwardiya sibil ay saka naman ito ipinahukay noong Disyembre 1912 upang  mailipat ang kanyang labi sa Luneta na ngayon ay Rizal Park.

Naging sikat ito sa mga turista at mga namamasyal kung saan makikita rito ang itinayong pamosong bantayog o monumento ng pambansang bayani.

Sa Paco Park din nakalibing ang tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora o kilala bilang Gomburza.

Kaugnany ng nasabing pagdiriwang, magkakaroon din ng programa mula umaga hanggang gabi sa Fort Santiago, Intamuros,maynila kung saan naman ikinulong si Rizal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply