Promodizer lumuwa ang bituka sa saksak

ISANG promodizer ang nasa kritikal na kalagayan matapos itong pagtulungan saksakin ng tatlong kalalakihan na hinhinalang lango sa droga Sabado ng madaling araw, Hunyo 11, sa NBBS  Navotas City.

Ang biktima na lumuwa ang bituka at walang malay na dinala sa Jose Reyes Memorial Hospital ay nakilalang si Ienel lowen Gala Pedragosa. 20, binata at promodizer ng SM megamall.

Dalawa sa suspek ang arestadao na nakilalang sina Joseph Manalili at Ricky Mark Sevilla habang nakatakas ang mismong sumaksak ng biktima na nakilalang si Marvin Manalili.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Jerome Espina, ng Station Investigation Division ng Navotas Police, dakaong alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Dalag St. Phase 2 ng nasabing barangay.

Sa pahayag ng saksing si Jade Gallego, 19, binata, lasing at sabog sa marijuana ang mga suspek ng makasalubong na naglalakad ang biktima na agad at pinagtripan bugbugin subalit mabilis na tumakas ngunit aksidenteng nadapa.

Pinagtulunagan patayuin ng dalawa habang ang suspek na si Marvin ay malayang kinadyot sa tiyan ang biktima na nagresutta sa pagluwa ng bituka nito.

Matapos ang maisagawa ang krimen agad nagsipag-pulasan ang mga ito subalit sa mabilis na pagresponde ng mga barangay tanod nasakote sina Joseph at Ricky habang si Marvin ay malayang nakatakas bitbit ang ginamit na patalim

Ang biktima ay mabilis na dinala ng mga rumespondeng sa nasabing pagamutan kung saan binigyan ito ng 50/50 tsansang mabuhay.

Patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing kaso at nagpalabas ang pulisya ng manhunt operation para sa agarang ikadarakip ng suspek Roger Panizal

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply