Proper waste segregation ipatutupad sa QC

SIMULA sa Hulyo 1, hindi na kukunin ang basura ng mga taga-Quezon City kapag hindi ito segregated o nakahiwalay ayon sa uri nito.

Ayon kay Q.C. Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD), ang hakbang na ito ay ipatutupad sa ilalim ng “Hiwa-hiwalay na Basura sa Barangay Program” upang mabawasan at maipatupad ang paghihiwalay ng mga basura.

Ito rin ay upang ma-divert ang 50 porsiyento ng solid wastes na maaaring ilagak sa Q.C. Sanitary Landfill na gagamitan ng mga waste diversion techniques, tulad ng resource recovery, recycling at reuse ng mga basura.

Bago maipatupad ang “no segregation, no collection” scheme, isang  dry run ang kanilang isasagawa sa loob ng dalawang linggo upang magkaroon ng adjustment period ang mga taga-lunsod sa sistema ng pagkolekta ng basura.

Matapos ang dry run, ipatutupad ang nasabing policy sa mga barangay sa koordinasyon ng EPWMD.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply