Proyekto, panukala at programa sa metro

ISANG panibagong joint project ng Department of Public Works and Highways at ng Metro Manila Development  Authority ang nakatakdang isagawa tungo sa pagpapaluwag ng trapiko sa kalunsuran.

Sa puntong ito, isang underpass construction ang isasagawa sa Quezon Avenue at G. Araneta sa Quezon City na naglalayong malutas ang palagiang masikip na vehicular traffic sa lugar at mga katabing lansangan. Nakatakdang simulan ang proyekto bukas kasabay ng babala sa mga motorista na humanap ng madara-anan sa pag-iwas sa masikip na daloy ng sasakyan sa malawak na lugar.

o0o

Natataon naman sa ika-150 taong kaarawan ni Gat. Jose Rizal ang Linggo na inabante sa araw ng Lunes, isang pista opisyal na kung kailan inalis ng MMDA ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) na lalong kilala bilang number coding na sana ay nagbabawal sa pagpapalansangan ng mga sasakyang ang plaka ay nagtatapos sa 1 at 2.

o0o

May plano rin na magtalaga ng isang Integrated Bus Terminal sa hilagang bahagi ng Metro Manila at isa pa sa katimugan ng Kamaynilaan para sa mga bus na nanggagaling sa mga lalawigan. Merong hindi magandang epekto ito sa mga mananakay lalo na ang mga malayo sa terminal na mga pasahero at/o biyahero. Dapat si-gurong pag-ukulan ng rebisa ang programa kung ang epekto nito ay makapapabor o maka-sasagabal sa sistema ng mga sasakyan. O kaya sa  pinansiyal na katayuan ng gobyernong national at local – kung makatitipid ba o dagdag na gastusin lamang ito.

o0o

Dagdag na pabigat sa mga biyahero na may mga bitbit na kargamento kung malayo ang terminal na panggagalingan sa patutunguhan o pagdadalahan ng mga bagahe lalo na’t ang mga driver ng taxi ay namimili ng pasahero at ang iba ay nanghihingi ng karagdagang upa sa kabila ng pinaiiral na metro na nakaaabala na at dagdag na singil sa paglalagay ng metro na de-resibo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply