PSG magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa ‘rape issue’

MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang Presidential Security Group (PSG) kaugnay sa alegasyong panggagahasa ng isa sa kanilang mga tauhan.

Sa isang panayam, sinabi ni  PSG chief Col. Ramon Mateo Dizon na inatasan na niya ang kanyang guards at battalion commander na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin.

Nauna rito, pinapunta ni Dizon Martes ng umaga ang kanyang mga tauhan sa Manila Police District (MPD) upang tiyakin kung mayroon ngang reklamong panggagahasa laban sa kanyang mga tauhan.

“Basically, what the PSG will do is we will first of all cooperate with the MPD which is now investigating the case. I can assure the public that we will definitely cooperate fully with MPD,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply