PSG na nang-rape ng 15-anyos in-inquest na

ISINAILALIM na sa inquest ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na akusado sa panggagahasa sa 15-anyos na dalagita sa loob mismo ng kanilang barracks.

Kasama sa kinasuhan ang barangay captain na sinasabing nagbugaw sa biktima.

Sinabi ni Chief Insp. Alita Araullo, hepe ng Women’s Desk sa Manila Police District (MPD), kasong acts of lasciviousness ang isinampa laban kay Staff Sgt. Walter Candelaria.

Ayon kay Araullo, mahaharap din sa paglabag ng Anti-Trafficking in Person Act of 2003 ang opisyal ng barangay na si Angelo Morillo dahil sa pagbubugaw sa biktima.

Pinaghahanap naman ang dalawa pang sibilyan na sina Barangay Chairman Roel Floro at negosyanteng si Benny Won, na umano’y mga accomplice sa krimen.

Itinanggi ng suspek ang akusasyon pero pursigido ang ama ng biktima na ituloy ang kaso at maparusahan ang sundalong nambastos sa kanyang anak.

Una nang tiniyak ng Malakanyang na maparurusahan ang mga miyembro ng PSG na sinasabing sangkot sa nasabing panggagahasa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply