PSG na tumurbo sa 15-anyos sumuko na

SUMUKO na sa awtoridad ang miyembro ng Presidential Security Group, na itinuturong nanggahasa sa 15-anyos na dalagita sa loob mismo ng PSG barracks sa compound ng Malakanyang.

Kasama ni Supt. Jimmy Tiu, station commander ng Manila Police District-PS 8 ang suspek na si Staff Sargeant Walter Candelaria nang magtungo sa MPD-Womens and Children Concerned Division (WCCD) dakong 6:30 ng gabi, Martes, Hunyo 21.

Nabatid kay MPD-Police Station 8 Commander Supt. Jimmy Tiu, nangyari ang insidente dakong 11 ng gabi sa harap ng barangay hall ng Brgy. 637, Zone 65 sa San Miguel, Maynila.

Nang maisakatuparan umano ng suspek ang pangagahasa sa dalagita ay hinayaan na itong makalabas ng compound kung saan dumiretso naman sa Brgy. Kagawad na si Angelina Marzan, na siyang tumulong sa kanya para magreklamo sa pulisya.

Nagsagawa naman ng sariling imbestigasyon ang PSG hinggil sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply