Public market sa S. Cotabato nasunog

NASUNOG ang public market ng T’boli sa lalawigan ng South Cotabato kaninang madaling-araw., Hunyo 27.

Ayon sa ulat, nasunog ang naturang lugar bandang 4:00 ng madaling araw na nagsimula sa ukay-ukay section ng public market.

Nabatid na tumulong na ang mga firetruck galing sa mga karatig na bayan ng Banga at Sto. Niño upang maapula lamang ang sunog.

Patuloy pa ngayong inaalam ang pinagmulan ng sunog at halaga ng iniwang pinsala at wala namang napaulat na nasugatan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply