Public school sa Manila nasunog

NASUNOG ang faculty room ng isang public high school sa Intramuros Maynila, umaga ng Sabado.

Batay sa report ng dzBB, walang napaulat na nasugatan nang matupok ang Manila High School (MHS) simula 8:10 a.m.

Partikular na natupok ang Room 324 ng paaralan, ngunit naapula naman ng mga bumbero matapos ang sampung minuto.

Naapektuhan ng sunog ang office supplies at equipment ng eskuwelahan.

Sa kabila nito, tuloy ang pasok ng mga estudyante dahil wala namang nasirang classroom at wala ring pasok nang maganap ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply