Publicity stunt ang ginawa ng DOJ – Lacson

MALAKI ang paniwala ni  Sen. Panfilo Lacson na publicity stunt lamang ang ginagawa ng Department of Justice para muling mapag-usapan ang kasong Visconde massacre

Ayon kay Lacson na nakikita niya ang kanyang sarili kay Hubert Webb, nang makailang beses din siyang akusahan at wala siyang magawa kundi magtago.

Nilinaw ng senador na nakapagdesisyon na ang Korte Suprema at wala nang punto para magtawag ng Press Conference. Kahit pa nasa Pilipinas si Hubert Webb noong mga panahong iyon, ang magiging tanong doon ay “Anong dapat gawin dito?” dahil sa protektado na si Webb ng double jeopardy.

Naghirap na rin ng matagal na panahon si Webb ng halos 15 taon sa piitan at pahilom na sana ang sugat ng dalawang kampo ng buklatin muli ng DOJ at National Bureau of Investigation ang kaso.

Binigyang diin ni Lacson na “self-advocacy” na lamang ang ginagawa ng DOJ at wala nang magagawa ito sa kaso dahil nagkaroon na ng final reading ang Korte Suprema.

Sinabi pa ni Lacson na hindi sumusunod sa ruling si Justice Secretary Leila De Lima dahil lagi itong mayroong sariling desisyon.

Pinuna din nito ang paggamit at pagkuha ng arrival at departure reel tapes mula sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Ayon kay Lacson, kung sakaling mapatunayan ng DOJ na nasa bansa si Webb ay wala naman itong magagawa.

May ruling na aniya ang Supreme Court, maliban na lang kung gusto nilang hiyain at siraan si Webb.

Bukod pa rito, halatang bias ang DOJ at sinusugan pa nito ang mga reklamo ni Lauro Vizconde na nagkaroon ng suhulan sa Korte Suprema.

Naniniwala rin itong pinag-aaralan na ng abogado ng pamilya Webb ang pagdidisbar kay Secretary De Lima. Nais din nitong kasuhan si De Lima dahil  sa personal niyang ekspiryensa nang dikdikin siya sa kanyang kaso bagama’t idineklarang “baseless” ito sa Court of Appeals. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply