Pulis na naka-duty, naka-uniporme bawal magyosi

NAGBABALA ngayon ang liderato ng 130,000-strong Philippine National Police (PNP) sa lahat ng kanilang mga tauhan sa buong bansa na mahigpit nang ipatutupad ang pagbabawal ng paninigarilyo sa kanilang hanay kapag nakasuot ng uniporme o kaya ay on duty.

 Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz , sinusuportahan ng pambansang Pulisya ang Metro Manila Development Authority (MMDA), mga local governments at local health authorities  sa pagpapatupad ng ilang probisyon sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation  Act of 2003.

 Kabilang dito ang mga local ordinances na nagbababwal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa loob, prohibition ng smoking sa  mga public utility vehicles na pinaiiral ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 “To set the example, the PNP high command has cautioned all PNP personnel to refrain from smoking while in uniform or while on duty,” babala ni Cruz.

 Bilang pangunahing law enforcement agency, responsibilidad ng PNP na ayudahan at suportahan ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa implementasyon ng RA9211 at maging ang pagsusulong ng smoke-free environment.

Mariing pinaalalahanan kni  Chief PNP, Director General Raul M Bacalzo ang kanyang maga tyauhan hinggil sa no smoking policy  ng PNP  na sang ayon din sa Napolcom Memorandum Circular 93-017 na nag uutos smoking ban sa lahat ng PNP at Napolcom Offices sa buong mundo. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply