Pumasok sa June 20 holiday bayaran ng tama — Dole

PINAALALAHANAN ni  Labor and Employment Acting Secretary Danilo Cruz ang mga employer sa pribadong sektor na tumupad sa naaangkop na mga patakaran para sa Hunyo 20, special non-working holiday.

Kung ang isang kawani ay nagtrabaho sa June 20, siya ay may karapatan sa 130 porsiyento ng kanyang daily rate para sa unang walong oras.

Kung ang empleyado ay nagtrabaho at tumapat sa araw ng kanyang pahinga, ang manggagawa ay may karapatan sa unang walong oras sa 150 porsiyento ng kanyang regular daily rate.

Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation 154, at idineklara na ang ika-150 kaarawan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal ay ipagdiriwang ngayong araw,  Hunyo 20.

Sinabi ni Cruz na ang Proclamation 154 ay nakatutok sa pangangailangang upang bigyan ang lahat na Pilipino ng pagkakataon na gunitain ang gawaing makabayan at mga sakripisyo para sa bansa ni Rizal, muling magningas ang kanilang paghanga at paggalang sa kanya, at upang ipagdiwang ang milyaheng ito na may naaangkop na seremonya.

Kaya pinagtibay ang kahilingang ito sa Pangulo na ginawa ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na ang ika-20 ng Hunyo ay ihayag bilang special non-working holiday sa halip na ika-19 ng Hunyo 2011, na tumapat ng Linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply