PWD registration week itinakda ng Comelec

NAGTAKDA ng espesyal na araw ang Commission on Elections para magparehistro ang mga botanteng may kapansanan.

Base sa inilabas na  minute resolution  ng Comelec,  mula Hulyo 18 hanggang 23 ang petsa para sa voters registration ng persons with disabilities (PWD’s) na tatawaging PWD registration week.

Inatasan naman ng Comelec ang lahat ng kanilang  election officers sa buong bansa na bigyang prayoridad ang mga PWD sa nasabing petsa.

Una nang itinakda ng Comelec ang voters registration noong Mayo 3 na tatagal hanggang sa Oktubre 31, 2012

Nabatid din sa isang statement na inilabas ng komisyon  na maglalagay din  ng mga satellite registration sa mga pangunahing lungsod at mga barangay kung saan maraming PWD na nagpaparehistro.

Upang mapadali ang gagawing registration ay pinayuhan naman ng komisyon ang mga magpaparehistro na magtungo lamang sa mga siyudad o munisipalidad kung saan sila nakatira.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply