PWD registration week itinakda ng Comelec

BIBIGYAN ng prayoridad ng Commission on Elections (Comelec) ang mga taong may kapansanan o ang mga persons with disabilities (PWDs) na nais magpatala upang makaboto sa 2013 midterm polls.

Kaugnay nito, nagtakda ang Comelec ng espesyal na araw para sa pagpapatala ng mga PWDs.

Batay sa minute resolution na ipinalabas ng Comelec, itinakda ang petsa para sa voters registration ng mga PWDs sa Hulyo 18-23 na tatawaging PWD registration week.

Kasabay nito, inatasan ng Comelec ang lahat ng kanilang election officers sa buong bansa na bigyang prayoridad ang mga PWDs sa mga nasabing petsa.

Ang voters registration ay una nang itinakda ng Comelec noong Mayo 3 na tatagal hanggang sa Oktubre 31, 2012.

Sa isang statement na inilabas ng poll body, sinabi nito na maglalagay rin sila ng mga satellite registrations sa mga major cities tulad ng SM malls at barangays kung saan maraming PWD registrants.

Nilinaw naman ng poll body na ang mga nais magparehistro ay doon lamang magtungo sa mga siyudad o munisipalidad kung saan sila nakatira. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply