Radio commentator pinatay sa Cam Sur

IDINEKLARANG dead on arrival ng isang hospital ang radio commentator ng DWEB-FM makaraang barilin ng isang nakamotorsiklong salarin sa Nabua, Camarines Sur, madaling-araw ng Hunyo 13.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong 5:30 ng madaling araw.

Nakasakay umano ang brodkaster na si Romeo Olea sa kanyang motorsiklo nang paputukan ito ng salaring nakasakay din sa motorsiklo sa boundary ng Nabua at Iriga City.

Nabatid na sa mismong sa harapan ng Holy Child Learning Center binaril ang biktima. Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng 9mm, ayon kay Cam Sur Provincial Police Director Senior Supt. Victor Deona.

Matatandaang binaril at napatay din ang isang mediaman sa naturang himpalan ng radyo noong Hulyo 2010.

Ngunit ipinaliwanag ni Deona sa isang interbyu sa DZRH na hindi maliwanag kung may koneksyon ang dalawang insidente ng pagpaslang.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon at follow-up operation ng pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply