Raket ng local officials!

SA WAKAS ay may nasilip din akong magandang balita na galing sa House of Representatives.

Nakakasawa na kasi ang mga kongresista na walang ginawa kundi sumawsaw sa mga hindi naman nila dapat pakialaman.

Gaya na lang halimbawa ng ilang mambabatas diyan na pilit nakikisakay sa problema ng Land Transportation Office (LTO) at Stradcom.

Bagamat hindi naman alam ng mga kongresistang ito ang kumpletong kuwento ay pilit pa din silang nakikialam  sa isyu.

Sabagay libreng publisidad nga naman iyon at baka mamantikaan pa sila nang ilang mga operators na kumikilos diyan sa Kamara. Pero hindi tungkol sa LTO- Stradcom issue ang kolum ko sa ngayon .

Ang tinutukoy kong magandang balita na mula sa Kamara ay ang panukala nina Representatives  Mark Mendoza nang Batangas, Enrique Cojuangco nang Tarlac at Joselito Mendoza nang Bulacan na silipin ang mga panuntunan sa pangungutang nang mga local government units.

Lumalabas kasi na walang patumangga kung mangutang mula sa mga ibat-ibang lending institutions ang mga LGUs kung kaya’t umaabot na sa bilyon-bilyon ang kanilang mga pagkakautang.

At kung hindi mapipigilan ang masamang bisyong ito nang mga LGUs ay malamang magising na lang ang marami sa kanila na paralisado na ang kanilang  operasyon at hindi na nila maibibigay ang mga serbisyong kailangan ng mga mamamayan.

Naging ugali na kasi nang mga nakaupong opisyal ng mga LGUs gaya ng mga mayor, gobernador at iba pa na pumasok sa ibat-ibang mga kontrata na may kaakibat na gastusin kayat kailangang mangutang sila sa mga bangko.

Gustong-gusto naman nila na pumasok sa mga proyekto dahil siguradong magiging hapi sila sa “for the boys “ nila.

Sa madaling salita eh diyan sila kumikita sa mga proyektong iyan. Pag walang proyekto siempre wala silang kita.

Ang resulta? Sa sandaling bumaba sila sa puwesto ang naoobligang magbayad ng mga utang nil;a ay iyong mga bagong opisyales na pumalit sa kanila.

Kaya timing naman talaga ang imbestigasyon na gagawin nina Rep. Cojuangco para mapigilan na ang raket ng walang patumanggang pangungutang ng mga local officials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply