Oil price hike nagpabagsak sa rating ni PNoy

POSIBLENG malaki ang kinalaman ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa paghatak pababa ng performance rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Sa ginawang pagsusuri ni House Deputy Speaker Erin Tañada III, nahahatak pababa ang rating ni Pangulong Aquino tuwing mag-aanunsyo ng oil price hike ang mga kompanya ng langis, lalo pa’t kinukunsiti ito ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Tañada, na nagbibigay katuwiran sa dambuhalang oil companies sa walang habas na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Tañada, nakatutok ang taumbayan sa presyo ng mga bilihin kaya naman bawat taas ng mga ito ay nagre-reflect  sa pagbaba ng popularidad ng Pangulo.

Naniniwala din si Tañada na walang ibang sinisisi ang taumbayan sa walang pakundangang pagkagahaman ng mga kumpanya ng langis kundi ang Pangulo, bagama’t walang kontrol dito ang gobyerno dahil ang world market ang nagdidikta ng presyo ng langis.

Ang industriya ay nasa ilalim ng deregulasyon.

Matatandaang mahigit sampung beses nang nagtataas ng presyo ng langis mula nang umupo si Pangulong Aquino. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply