Reappointment ni Brillantes pinatatabla

HINILING ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Palasyo na muling suriin ang pagtatalaga muli kay Atty. Sixto Brillantes bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec) dahil kuwestiyonable ang sinseridad nito na isulong ang repormang elektoral patungo sa tuwid na daan.

Ayon kay Cayetano, gusto lamang niyang matiyak na may tamang opisyal sa naturang tungkulin.

“Maliban sa pagiging election lawyer, mas maraming indibiduwal na mayroong di matatawarang integridad at walang conflict of interest na puwedeng maitalaga sa posisyon bilang Comelec chairman,” giit ni Cayetano.

Aniya, mas maraming panahon upang mahubaran kung anong klaseng election lawyer si Brillantes.

“Ang isang uri na hindi tumatanggap ng kaso na sangkot ang dayaan o ang klase na tutulungan pa ang kanyang kliyente na mandaya? We have to find out which of the two kinds of lawyer is Attorney Brillantes,” sabi ng senador.

Agad na idinagdag ni Cayetano: “And if it is the kind who is involved in cheating? Why make him chairman?”

“I think they should continuously reassess. We hope the Palace would look into the hard questions we asked in the CA and eventually have their own  ‘roadmap’ towards clean and honest elections,” dagdag ni Cayetano.

Tinukoy pa ni Cayetano ang pahayag ni Brillantes nang maitalaga ito bilang chairman ng Comelec na nalalaman niya ang mga election operator at pinakiusapan na magbago sila ng gawain.

Kinuwestiyon din ni Cayetano ang sinseridad ni Brillantes na magampanan ang pangakong reporma sa pamamagitan ng reorganisasyon sa Comelec.

Ibinulgar ni Cayetano kamakailan na nananatiling nasa matataas at mahahalagang puwesto ang lahat ng opisyal ng ahensiya na sangkot sa “Hello, Garci” scandal, sa pangunguna ni Rey Sumalipao na regional director ng Comelec sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply