Red moon lunar eclipse pinagkaguluhan

NAGANAP kaninang madaling-araw hanggang umaga ang red moon lunar eclipse na inabangan ng maraming taon sa mga piling lugar sa Pilipinas.

Ang naturang eclipse ang pinakamahabang oras sa loob ng 11 taon kung saan nagsimula ito bandang 1:23 at nagtapos ng 7:02 ng umaga.

Ayon kay Rene de Leon ng Astronomical Department ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hindi karaniwan ang ganitong tanawin sa himpapawid dahil makikita umano ang buwan na mapula at hindi ang karaniwang anino lamang.

Bukod sa Pilipinas, makikita rin ang nasabing eclipse sa Africa, Middle East, iba pang bahagi ng Asia at kanluran ng Australia.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply