Reklasipikasyon ng lupa sa Palawan isinulong

ISINUSULONG na sa Kongreso ang reklasipikasyon ng mga lupain sa Aborlan, Palawan para maging ganap na alienable and disposable land ang mga ito sa pamamagitan ng isang panukala para mapakinabangan ng mga magsasakang umookupa na naturang lugar.

Ang reklasipikasyon ay isinusulong  nina Palawan Reps. Dennis Victorino Socrates at Antonio C. Alvarez, gayundin sin APEC Rep. Ponciano Payuyo.

Ang House Bill 4792 iniakda nii Socrates, samantalang sina Alvarez at Payuyo ang co-authors ng panukala.

Saklaw ng HB 4792 ang reklasipikasyon ng mga timberland sa siyam na barangay sa bayan ng Aborlan, partikular na ang mga barangay ng Cabigaan, Magbabadil, Barake, Iraan, Sagpangan, Isaub, San Juan,
Apurawan at Culandanum. Ito ay may kabuuhang laki na 5,638 ektarya.

Ayon kay Socrates, karapat-dapat lamang na maging alienable and disposable lands ang nabanggit na mga lupain dahil ang malaking bahagi nito ay matagal ng tinitirhan, sinasaka o ginagamit ng mga mamamayan ng Aborlan para sa iba’t ibang pangangailangan.

Idinagdag pa ng mambabatas na ang pagsumite niya ng HB 4792 ay bilang tugon na rin sa kahilingan ng bayan ng Aborlan na nakasaad sa kanilang Sangguniang Bayan Resolution 17 Series of 2011.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply